KABAYAN para sa Karapatan na Makakuha ng Tubig

Atty. Harry Roque ng KABAYAN Party List sa Opol, Misamis Oriental

Atty. Harry Roque ng KABAYAN Party List sa Opol, Misamis Oriental

Binabati po ni Atty Harry Roque ng KABAYAN Party List ang pamunuan ng Opol, Misamis Oriental sa kanilang proyekto na naglalayong matustusan ang tamang pangangailangan sa tubig ng munisipalidad.

Opol_Water_20April16_1Ayon kay Atty. Roque, napapanahon ang proyekto dahil 10% lamang ng pangangailangan sa tubig ng Opol ang kayang ibigay ng Cagayan De Oro Water District.

Kasama si Atty Roque sa groundbreaking ceremony na ginanap sa Brgy. Tingalan.

Ang proyekto ay isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng munisipalidad na pinamumunuan ni Mayor Max Seno at ng A Brown Co.

Opol_Water_20April16_5Iginiit ni Mayor Seno na malaki ang pangangailangan ng Opol sa tubig dahil 10% lamang ng pangangailangan nito na 8,000-cubic-meter kada araw ang kayang ibigay ng Cagayan De Oro Water District.

Ang nasabing PPP project ay isang water treatment facility na kayang linisin ang 15-milyon na litro ng tubig kada araw na magmumula sa Lumayagan River.

Comments are closed.